James Balao turns 51 years old today

James Balao turns 51 years old today.

May this birthday greeting find its way to the heart of our brother, James.

James Balao, our brother, eldest among the four of us, turns 51 years old today. This is the fourth year we are celebrating his birthday, not in the quiet of our home with family and all the home cooked food, but on the streets with friends and his colleagues holding his picture, placards, posters.

May this birthday message to our brother James find its way to where ever he is being hidden from us.

How do you think he will feel if he heard that we are out here, unendingly seeking for him? It would very much warm his heart.

If we could give him the message that we want him home, that we want him to be cared by us, that we are here to heal his wounds, that we will feed him his

favorite bukel (beans) and pata, and just mostly to hold him close, and to tell him that we love him. He knows all of these but it is different when he will really hear a message from us:

Dear Manong James,

We love you.

We remember you everyday and today, April 19, your 51st birthday we are reminding the government, the Armed Forces of the Philippines (AFP), the President, the corrupt officials that until today you remain missing, that we are here on the streets again, with our statements, with our posters reminding them what the system did to you.

Some few weeks ago, a close friend saw your photo on the shelf, and asked us where you are. We answered he’s just somewhere. And this friend answered, “ada lang man dayta dita” ( ” he is just around.”) Joni made him repeat to make sure we heard him right and he repeated the same words. With mom and dad’s death, we felt very frustrated and angry that they were not able to see you. The words, “James is just there” adds to a certainty of hope for us.  But the same words also broke our hearts. “He is just around.”.. the thought that you must just be so near yet so unreachable, so far…

We need you here with us. But we know you needs us much much more. We love you so much James. We hope to find you.

It has been four frustrating years that you have been kept from us.  The culture of impunity continues to this day that we have not found you.  The Supreme Court last December even denied us the Writ of Amparo that we hoped we could use in search for you.  President Aquino has not changed things. We continue to hear of those like you who speak about social justice and indigenous peoples rights getting arrested, killed or disappeared.

Today on your birthday, we, your family and friends, the Cordillera Human Rights Alliance, the Cordillera Peoples Alliance are here today Manong James, demanding for your freedom and for justice.

The birthday greetings are also coming from other friends. If you only knew James… Your freedom is being fought for every Monday in Stuttgart, Germany by the Monday Demonstration Group, in Spain by the Amnesty International in Vallecas and the United States of America, the Desaparecidos here in the country and many other groups and by people we have come to know in our search for you and for justice.

We will not stop until you are here with us again.  We will continue to remind the people of who you are and what the State has done to you.  We will not stop until we find you.

Happy Birthday Manong.  Be strong. We  love you,

Joni, Winston and Nonette

We pray that the winds and the people with hearts send our words to James.

This slideshow requires JavaScript.

(UPDATED) Lider-magsasaka sa Laguna dinukot ng militar, nakadetine sa Quezon

(UPDATED) Lider-magsasaka sa Laguna dinukot ng militar, nakadetine sa Quezon

by: Ilang-Ilang Quijano

Pinoy Weekly

April 13, 2012

Natagpuang nakakulong sa Quezon Provincial Police Office ang lider-magsasaka sa Laguna na si Alex Arias, apat na araw matapos mawala at dinukot ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), ginamit ng pulis ang parehong warrant of arrest na ginamit  sa paghuli kay Reynante Gamara sa Las Pinas City noong Abril 3.

Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pinagbintangan nitong finance officer daw si Arias ng “Southern Tagalog Regional Party Committee” ng New People’s Army. Samantala, inakusahan naman si Gamara ng Bayan Muna na secretary daw ng Manila-Rizal Command ng mga rebelde.

Ngunit giit ng Kasama-TK at ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), imposible ang paratang ng militar kay Arias. Kilalang lider-magsasaka sa Laguna si Arias at aktibo sa mga pagkilos ng mga magsasaka sa rehiyong Timog Katagalugan.

Si Arias, 56, ay tagapangulo ng Pagkakaisa’t Ugnayan ng mga Magsasaka sa Laguna (Pumalag), lokal na tsapter ng KMP. Isa siya sa mga nagtatag ng grupo noong 1998.

Pinatotohanan naman ni Axel Pinpin, pangkalahatang kalihim ng Kasama-TK, na isang aktibong lider-magsasaka si Arias sa rehiyon. “Bilang tagapangulo ng Pumalag, miyembro rin siya ng regional council ng Kasama-TK at national council ng KMP.”

Pagdukot

Bandang alas-onse ng umaga noong Abril 7, nagmomotor pauwi sa kanyang tahanan sa Liliw, Laguna si Arias nang biglang harangin ng armadong kalalakihan sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, ayon sa ulat ng KMP. Ayon umano sa mga nakasaksi, isinakay ng mga armado si Arias sa isang van na may eskort pa na ilang motorsiklo.

Alex Arias, dinukot na lider-magsasaka sa Laguna (Contributed Photo)

Pinaghihinalaan ang mga armado na miyembro ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army, ayon sa Karapatan-Southern Tagalog.

“Mariin naming kinokondena ang pinakahuling atakeng ito ng gobyernong Aquino sa mga lider-pesante. Dapat kagyat na ilitaw ni Aquino at ng AFP si Ka Alex,” sabi ni Randall Echanis, pangalawang pangkalahatang kalihim ng KMP.

Ani Echanis, ipinapakita ng insidente ang “nagpapatuloy na atake ng gobyernong Aquino sa mga magsasakang iginigiit ang kanilang karapatan sa lupa.”

Samantala, sinabi naman ni Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim ng Karapatan-ST, na konektado sa pagdukot ni Arias ang pagtatayo ng mga detatsment ng 1st IBPA at 202nd Infantry Brigade sa mga bayan ng Magdalena, Majayjay at Liliw sa Laguna noong Enero ngayon taon.

Bahagi ito ng diumano’y Peace and Development Program sa ilalim ng kontra-insurhensiyang programa na Oplan Bayanihan. “Itinayo ng mga sundalo ang kanilang detatsment sa mga eskuwelahan, barangay hall at mismong sa gitna ng mga komunidad,” ayon kay Malabanan.

Idinagdag ng grupo na ayon umano sa mga kapitbahay ni Arias sa Brgy. Tuy Banaan, Liliw, matagal nang pinaghahanap ng mga sundalong militar si Arias.

“Nagtatago ang Oplan Bayanihan sa ilalim ng mga islogan para sa kapayapaan at kaunlaran…(S)ubalit karahasan, pang-aabuso, pagdukot at pagpatay sa mga  mamamayang pinaghihinalaang mga kaaway ng gobyerno ang dulot nito. Sa halip na tinutugis ng gobyerno ang kriminal na si Jovito Palparan, ang inosenteng mga mamamayan ang kanyang binibiktima,” ayon kay Malabanan.

Ilitaw si Alex Arias, lider magsasaka dinukot ng mga militar

KARAPATAN-Southern Tagalog

Press Release | April 12, 2012

STA. CRUZ, LAGUNA – Abril 7, 2012, humigit kumulang sa ika-11 ng umaga, dinukot ng pinaghihinalaang mga elemento ng 1st Infantry Battalion Philippine Army (1st IBPA) si Alex Arias sa Brgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna. Hindi pa rin natatagpuan si Alex hanggang ngayon.

Si Alex Arias, 56 taon gulang ay pangulo ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (PUMALAG-KMP). Pauwi si Alex sa kanilang bahay nang harangin ang motorsiklong kanyang sinasakyan ng mga pinaghihinalaang sundalong lulan ng van.

“Ilitaw si Alex Arias at itigil ang pagdukot, iligal na pang-aaresto at pagkakaso ng mga gawa-gawang akusasyon sa mga lehitimong lider ng mga progeresibong grupo. Hindi NPA si Alex katulad ng ibinibintang ni Col. Ivan Samarita ng 202nd Brigade. Sa katunayan, si Alex ang isa mga tagapagtatag ng PUMALAG noong 1998 ”, pahayag ni Glen Malabanan, secretary general ng KARAPATAN-Southern Tagalog.

Mariing kinundena ng KARAPATAN ang maruming taktikang ito ng administrasyong Aquino. Matatandaang noong Pebrero 8 lamang ay ganito rin ang ginawa ng 202nd Brigade sa dalawang lider kababaihan ng KADAMAY-ST na sina Evelyn Legaspi at Pastora Latagan, pinaratangang mga  NPA at kinasuhan ng gawa-gawang kaso.

“Nakakaalarma ang halos sunod-sunod na napapaulat na kaso ng paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao sa probinsya ng Laguna magmula noong Enero”, dagdag pa ni Malabanan.

Ayon pa kay Malabanan, noong Enero ay nagtayo  ng mga detachment ang 1st IBPA at 202nd Infantry Brigade sa mga bayan ng Magdalena, Majayjay at Liliw, Laguna para diumano sa Peace and Development Program sa ilalim ng kontra-insurhensyang programa ni Aquino na Oplan Bayanihan. Itinayo ng mga sundalo ang detachment sa mga eskwelahan, barangay hall at mismong sa gitna ng komunidad. Mula noon ay may mga  insidente na ng pang-aabuso at paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao ang naitala ng KARAPATAN.

Noong Pebrero 16, 2012 sa Brgy. Atingay, Magdalena, Laguna ay walang habas na pinagbabaril ng mga elemento ng 1st IBPA at 2nd IBPA ang apat na mga kabataang mangangaso. Napatay ng mga sundalo sina Christian Noceto, 15 taong gulang at si Jaycee Perez, 31 taon gulang. Samantalang, malubhang nasugatan ang dalawa pang menor de edad na sina Francis Abanilla at Gino Baez. Matapos aminin ng tagapagsalita ng Southern Luzon command na si Col. Generoso Bolina na napagkamalan lang na mga NPA ang mga biktima ay binayaran na lamang ang kanilang pamilya upang iurong ang mga kasong isinampa sa mga sundalo.

May mga napaulat rin na mga kaso ng pambubugbog ng mga sundalo. May ilang insidente rin ng panunutok ng baril kapag nalalasing ang mga militar.

“Kailangang ilantad ang nakaka-alarmang pagtaas ng bilang ng kaso ng pang-aabuso at paglabag ng mga sundalo sa karapatang pantao, sapagkat nakapanlilinlang sa mamamayan ang OPLAN BAYANIHAN ni administrasyong Aquino. Nagtatago ang kontra-insurhensyang progrma na ito sa ilalim ng mga slogan para sa kapayapaan at kaunlaran subalit karahasan, pang-aabuso, pagdukot at pagpatay sa mga  mamamayang pinaghihinalaan mga kaaway ng gubyerno ang dulot nito. Sa halip na ang tinutugis ng gobyerno ay ang kriminal na si Jovito Palparan ay ang mga inosenteng mamamayan ang nagiging biktima”. ###

Alex Arias, pangulo ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (PUMALAG-KMP)