Sa Ikaapat na Taong Pagkawala ni ‘Do’

Apat na taon na ngayon mula nang dukutin ng mga militar ang aking kapatid na si Leopoldo Ancheta, noong Hunyo 24, 2006 sa Guiguinto, Bulacan. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy kaming umaasa na siya ay buhay pa.

Ako, sampu ng aming pamilya ay labis na nangungulila sa kanyang pagkawala. Ang kanyang mga anak ay patuloy na umaasang magkakasama-sama pa rin sila, gayon din kaming mga kapatid niya ay naghihintay na isang araw ay muli siyang makakauwi sa amin at muling mayakap at makasama.

Marami ng kaarawan, pasko at iba pang okasyon ang lumipas na dapat ay kasama namin siya. Mas higit sanang masaya at masigla kung makakapiling na namin siya. Pero hindi ako bibitiw. Alam kong nandiyan lamang siya kung saan, tinatago at maaaring pinahihirapan.

May kasabihan tayo na kapag ang isang tao ay nawala o yumao ay sa panaginip magpapakita. Senyales na inaabangan ko hanggang ngayon upang nang sa gayon ay masabi ko ang lahat ng nais kong sabihin sa kanya; ang pangakong aalagaan ang kanyang naiwang mga anak gaya ng kanyang bilin, na hindi ko iiwan ang kanyang mga nasimulan at pagpapatuloy ng kanyang laban.

Sa aking palagay, ito rin ang nasa loob ng iba pang kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala na magpasahanggang ngayon ay patuloy sa paghahanap at pag-asam na makitang muli ang mga mahal sa buhay.

Sa ating bagong halal na pangulong Noynoy Aquino, hinihiling naming papanagutin ang Rehimeng Arroyo sa pagdukot, pamamaslang at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Katarungan ang aming hiling. Katarungan  para sa lahat ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, katarungan sa lahat  ng biktima ng Rehimeng Arroyo!

Katarungan!

Romy Ancheta

Nakababatang Kapatid ni Leopoldo Ancheta

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s