Panata ng dalawang ina

May 3, 2011

Reference:

Linda Cadapan, ina ng nawawalang si Sherlyn Cadapan

Connie Empeño, ina ng nawawalang si Karen Empeño

Panata ng dalawang ina

Walang inang hindi maghahanap sa kanyang nawawalang anak. Kahit gaano man ito katagal ogaano man ito kahirap. Hindi mawawala sa puso ng

Justice for Karen Empeño and Sherlyn Cadapan!

inang tulad ko ang pag-asang mahahanap ko si Sherlyn at ang kasama niyang si Karen Empeño at makakamit namin ang katarungan.

Kaya ang araw na ito ay araw ng aming paniningil.  Ngayon, sinasampahan namin ng kasong kriminal si Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. at kanyang mga kasama, ang nasa likod ng pagdukot at paglabag sa karapatang pantao ng aking anak.

Dapat managot ang berdugong si Palparan, Lt. Col. Rogelio Boac, Lt. Col. Felipe Anotado, 2nd Lt. Francis Mirabelle Samson, Arnel Enriquez, Donald Caigas at iba pang mga kasama nila sa pagkawala ng aming mga anak. Itanggi man ni Palparan ang kanyang kasalanan, malakas ang ebidensya sa kanyang pananagutan.

Hindi kami natatakot, katulad ng anak kong si Sherlyn na hindi natakot panghawakan at ipaglaban ang kanyang paniniwala. Hindi kami titigil hangga’t makamit namin ang katarungan at mapanagot ang mga may kagagawan sa pagdukot at pambababoy sa aming mga anak.

Ang aking sigaw para sa hustisya ay sigaw ng maraming pang inang nawawalan ng anak, asawa at kapatid.

Mrs. Linda Cadapan

Ina ng nawawalang si  Sherlyn Cadapan

 ——————————————————————————————————————————————

Ako ay isang guro. At bilang guro, itinuturo ko sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging makatao, makabayan, maka-kababaihan at makadiyos. Ngunit paano ito maisasabuhay ng aking mga mag-aaral kung ang tunay na nagaganap sa ating lipunan ay taliwas sa mga ito?

From left, Concepcion Empeño, mother of Karen, and Erlinda Cadapan, mother of Sherlyn

Namamayani sa ating bansa ang mga di-makataong polisiya ng pamahalaan. Dinukot ng mga militar, sila na dapat mga mabuting ehemplo ng mga kabataan, ang aking anak na si Karen Empeno. Kahayupan ang nangyari sa aking anak na babae mula nang siya ay dukutin , tortyurin at itago ni Gen. Jovito Palparan hanggang sa ngayon.  Makatao ba ang isang gobyernong hinahayaang mamayani ang kawalang-pananagutan ng mga kriminal?

Paanong naging makabayan ang mga dumukot sa aking anak kung pinaparusahan nila ang mamamayang walang kasalanan? Nasaan ang takot nila sa Diyos kung puro kasalanan sa kapwa ang kanilang ginagawa?

Ngunit patuloy akong magiging makatao, makakababaihan,makabayan at maka-Diyos. Patuloy ko itong ituturo sa mga susunod na henerasyon. Ang pagsasampa ng kasong kriminal kay Gen. Palparan at sa kanyang mga tauhan sa pagdukot at pagtotyur sa aking anak at kay Sherlyn ay isang patunay sa aking tuluy-tuloy na paglaban para sa lipunang makatao at makabayan.

Ito ang aming ambag sa pagtataguyod ng katarungan sa ating bansa at para hindi na ito maulit pa.

Mrs. Concepcion Empeño

Ina ng nawawalang Karen Empeño

Video footage courtesy of  Pinoyweekly via youtube: http://www.youtube.com/watch?v=XUKX0O3k9vo

Video footage courtesy of Kodao via youtube: http://www.youtube.com/watch?v=h9O-5USsUhA&feature=related

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s