Desaparecidos, nakalusot sa Times St.; nakagirian ang mga pulis

Dennis Datu | DZMM Radyo Patrol

 

Nagkatulakan at nagkasigawan ang mga pulis at raliyistang nakalusot sa harap ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street, West Triangle, Quezon City.

Maaga pa lamang ay bantay-sarado na ng mga pulis ang magkabilang kanto ng Times Street patungo sa bahay ni PNoy pero nalusutan sila ng grupong Desaparecidos.

Nagkatulakan at nagkasigawan ang mga pulis at raliyistang nakalusot sa harap ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street, West Triangle, Quezon City

Nagulat na lang ang mga pulis nang makitang nasa harap na ng bahay ni PNoy ang nasa 50 raliyista na may bitbit ng malalaking litrato ng kanilang nawawalang mga kaanak.

Nagpilit pa ang ilang babaeng raliyista na idikit ang pangalan ng mga nawawala nilang kaanak sa gate ng bahay ni PNoy pero hinarang sila ng mga pulis kaya nauwi ito sa sigawan at tulakan.

Sa tala ng grupo, 12 na ang nawala sa ilalim ng Aquino administration at wala anilang ginagawa si Pangulong Aquino para matagpuan ang mga mahal sa buhay.

Tumagal din ng halos isang oras ang protesta ng grupo.Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s