Mabilis na litisin, hatulan si Palparan! – Desaparecidos

International day of the Disappeared commemoration at UP Diliman. A call for the conviction of Palparan and other human rights violators. Surface all desaparecidos! Photo and text by Tom Estrera

International day of the Disappeared commemoration at UP Diliman. A call for the conviction of Palparan and other human rights violators. Surface all desaparecidos!
Photo and text by Tom Estrera

BALITA

30 Agosto 2014​

Sa UN International Day of the Disappeared

Mabilis na litisin, hatulan si Palparan! – Desaparecidos

Nanawagan ang grupong Desaparecidos para sa mabilis na paglilitis at paghatol kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan, kasabay ng paggunita sa United Nations (UN) International Day of the Disappeared ngayong araw.

“Panawagan namin ang mabilis na paglilitis kay Jovito Palparan. Dapat mahatulan siya sa lalong madaling panahon. Higit sa sapat ang patotoo ng mga saksi para magpatunay na siya ang may utak sa pagdukot kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan,” sinabi ni Lorena Santos, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos.

Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtipon-tipon ang mga pamilya ng mga biktima ng sapilitang pagkawala at nagbuo ng malalaking “human letters” na nagsasabing “CONVICT Palparan.”

“Nais naming managot si Palparan di lang sa pagdukot kay Karen at Sherlyn, kundi sa marami pang biktima ng pagpatay at pagdukot,” ani Santos.

Aabot sa 59 ang naiulat na biktima ng pagdukot at sapilitang pagkawala sa Timog Katagalugan, Silangang Visayas at Gitnang Luzon kung saan nadestino si Palparan.

Sinabi ng grupo, gayunman, na dapat panagutin ang “marami pang Palparan” na nagpapatupad ng Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino.

“Isang berdugo lang ang nakulong. Marami pang Palparan sa AFP. Sila ang patuloy na dumudukot, pumapatay at lumalabag sa karapatan ng mga ordinaryong mamamayan. Sila ang kinakanlong ng gobyernong Aquino at nagpapatupad ng Oplan Bayanihan,” ani Santos.

Nauna nang tinukoy ng grupo ang mga tulad ni Brig. Gen. Ricardo Visaya, Gen. Eduardo Año, Gen. Aurelio Baladad at AFP chief Gen. Pio Catapang na sangkot sa mga kaso ng pagdukot at iba’t ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao. “Pinakamasahol, ipinagpapatuloy nila ang utak-Palparan na patakaran ng Oplan Bayanihan, Patuloy silang pumapatay at dumudukot ng mga tinagurian nilang kaaway,” paliwanag ni Santos.

Samantala, mayroong 20 biktima ng sapilitang pagkawala sa ilalim ni Pang. Noynoy Aquino, mula Hunyo 2010 hanggang sa kasalukuyan.

“Nakikiisa kami sa mga pamilya ng desaparecidos sa buong mundo sa araw na ito. Sama-sama nating papanagutin ang mga dumukot sa ating mga kaanak, ang mga berdugong naghahasik ng takot sa mga mamamayang lumalaban sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ilitaw ang aming mga kaanak!” sigaw ng grupo. ###

Reference: Lorena Santos, pangkalahatang kalihim, Desaparecidos, 0908-8121982
 Ilitaw ang mga Desaparecidos PANAGUTIN SI PALPARANITIGIL ANG OPLAN BAYANIHAN
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s