WANTED: Jovito Palparan, Jr.

Tumulong sa paghahanap sa puganteng si retired Maj. Gen. Jovito Palparan Jr.

Nagtatago siya sa batas matapos sampahan ng Malolos Regional Trial Court ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng dalawang estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na kanyang ipinadukot noong Hunyo 26, 2006.

Tulungan natin ang mga magulang nina Karen at Sherlyn na matagal nang nangungulila sa mga missing na anak. Tulungan natin silang makamit ang hustisya para sa dalawang estudyante.

WANTED: Jovito Palparan

Dati, walang kasing tapang si Palparan. Wala siyang takot mandukot ng kahit sino batay lang sa simpleng hinala na aktibista sila.

Pero ngayon, duwag siyang harapin ang kanyang mga kasalanan. Paborito siyang heneral ni Gloria Macapagal-Arroyo. Nagtampisaw sina Gloria, Palparan at mga militar sa dugo ng mga pinaslang nila habang ipinapatupad ang Oplan Bantay Laya.

Singilin, papanagutin at huwag patakasin si Palparan at si Gloria!

Hanapin at ituro kung nasaan si Palparan!

Advertisements