Mom of missing UP student still hoping, praying

Concepcion Empeño (center) and Erlinda Cadapan, mothers of missing UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan hold pictures of their daughters during a meeting with Sen. Mar Roxas. RODEL ROTONI/INQUIRER FILE PHOTO

Concepcion Empeño (center) and Erlinda Cadapan, mothers of missing UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan hold pictures of their daughters during a meeting with Sen. Mar Roxas. RODEL ROTONI/INQUIRER FILE PHOTO

Allan Macatuno | Inquirer.net
October 30, 2014

SUBIC, Philippines—With no grave to visit, the mother of Karen Empeño, one of two students of the University of Philippines missing since 2006, will observe All Saints’ Day and All Souls’ Day with hopes and prayers to find closure for her daughter’s fate.

Despite the pain, Concepcion Empeño, 65, said she has good memories with her daughter, who, along with Sherlyn Cadapan, was abducted allegedly by soldiers in Bulacan province in 2006.

Empeño, a school principal at the Culiat Elementary School in Barangay (village) Culiat in Masinloc town, Zambales province, said her daughter was “very friendly” and would always bring her friends to their house.

She said she would join other families and relatives of the missing or the disappeared on Nov. 2 at Plaza Miranda in Quiapo, Manila, to offer prayers and flowers and light candles for their loved ones.

She said they would also write Pope Francis, who will visit the country in January, to seek his help in achieving justice for their missing family members.

“I will bring a photograph of my daughter for that gathering. Although it seems like we’re doing this for the departed, still I don’t want to think that she’s gone forever,” she said. “I’m still waiting for Karen [to come home].”

Bukas na Liham kay Pang. Noynoy Aquino sa kanyang Ikalimang SONA

FILE PHOTO: Simbolikong inaresto nina Connie Empeno at Linda Cadapan si Jovito Palparan, ang dating heneral ng militar na itinuturong dumukot sa dalawang aktibista noong Hunyo 26, 2006. (Macky Macaspac)

FILE PHOTO: Simbolikong inaresto nina Connie Empeno at Linda Cadapan si Jovito Palparan, ang dating heneral ng militar na itinuturong dumukot sa dalawang aktibista noong Hunyo 26, 2006. (Macky Macaspac)

​OPEN LETTER
July 24, 2014
 

KAMI, sina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeño, mga ina nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño na mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sapilitang iwinala kasama ang magsasakang si Manuel Merino noong  Hunyo 26, 2006 sa Hagonoy, Bulacan.

Kaming mga ina, kasama ang iba pang kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala, ay muling nananawagan at naggigiit ng katarungan para sa mga mahal naming hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikita.

Walong taon na kaming walang tigil sa paghahanap sa kanila sa tama o legal na pamamaraan. Kami ay nananawagan sa inyo sa pamamagitan ng media para sa agarang pagpapalitaw sa kanila.  Ayon sa Court of Appeals, Korte Suprema, at Department of Justice, sila ay kinidnap at iligal na idinitine ng yunit ng 24th Infantry Batallion ng AFP sa pamumuno ni Maj. Gen. Jovito Palparan.

Alam naming hindi lingid sa inyong kaalaman ang kasong ito. Sa aming pananaw, tila mailap ang hustisya at hindi pinagtutuunan ng pansin ang aming mga panawagan. Kami ay nagdaranas ng hirap sa paghahanap ng aming mga mahal sa buhay. Dagdag pa rito ang hindi pag-aresto sa mga tinukoy na ng korte na mga opisyal ng militar na nanguna sa pagdukot kina Karen at Sherlyn.

Samantalang nananatiling malaya si Maj. Gen. Jovito Palparan at M/Sgt. Rizal Hilario na utak ng pagkawala nina Karen at Sherlyn, pinatatagal naman ng mga kapwa nila akusado na sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgar Osorio ang pagtakbo ng kasong Kidnapping at Illegal Serious Detention na dinidinig sa Malolos Regional Trial Court. Sa halip na magpresinta ng kanilang mga sinasabing saksi ang mga akusado mula pa noong Nobyembre 2013, kung ano-anong mga dahilan ang parating inihahapag sa tuwing may pagdinig: naka-deploy sa malayo, hindi pinapayagang dumalo sa pagdinig, walang budget para sa pamasahe. Pagpapakita ito ng kawalang respeto sa karapatang pantao at sa mismong korte.

Sa tulong ng mga tagasuporta at sariling rekurso, naghanap kami sa mga ospital, presinto’t kampo ng militar na ang aming pinuntahan na umaasang mayakap muli ang aming mga anak; ilang morge na ang pinagtanungan at maging paghuhukay sa mga libingan upang kilalanin ang mga bangkay na walang umaako ay nagawa na namin sa pagbabakasakaling mabigyan ng marangal na burol at libing ang kanilang katawan pero kahit sa mga ito, walang mga Sherlyn o Karen o kahit sinong desaparecido.

Kahit ang kasong kriminal na isinampa laban kay Maj. Harry Baliaga na isa sa mga dumukot kay Jonas Burgos ay napakupad ng pag-usad. Malalayo ang pagitan ng mga petsa ng pagdinig at pinahintulutan pang makapagpiyansa si Baliaga. Sa dinami-rami ng mga opisyal na sinampahan ng kaso ng pamilya ni Jonas, lahat naabswelto maliban kay Baliaga kahit ang mga nakalap na ebidensya sa sariling pag-iimbestiga ay nakaturo at nagsasabing militar ang dumukot kay Jonas.

Ginoong Aquino, hindi lingid sa amin na naglaan kayo ng mahigit 400 milyong pisong pabuya sa mga kumakalaban sa pamahalaan. Bukod pa rito, nitong ngang huli, sumambulat sa amin ang pagkakamal ng inyong administrasyon ng bilyon-bilyong pisong pondo ng bayan sa pamamagitan ng DAP. Sa kabila ng pagdedeklara ng Korte Suprema na labag sa ating konstitusyon ang DAP, ipinagtanggol pa ninyo ito at ipinagmalaki ang mga pinaglaanang proyekto ng iligal na DAP.

Magkano ang inilaang pondo ng gobyerno para dukutin ang aming mga anak? Ilang porsyento ng DAP ang inilaan ninyo para makapagbigay katarungan sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao? Sapat na ba ang dalawang milyong pisong pabuya sa ikakaaresto ni Palparan? Kailangang makita ang aksyon sa pagtugis kina Hilario at Palparan.

Nadidismaya kami sa inyong pagkanlong at pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga nakinabang sa kriminal na DAP. Malaking insulto ito sa tinamo naming sugat na idinulot ng pagkawala ng aming mga kaanak. Ipinapaalala ng inyong pagkanlong sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan ang pagtataas ng posisyon at pagbibigay karangalan sa mga opisyal ng militar na pangunahing may pananagutan sa mga paglabag ng karapatang pantao.

Nananatiling nasa papel lamang ang Anti-Torture at Anti-Enforced Disappearance Law na magpaparusa sana sa mga dumukot at nag-torture sa aming mga anak. Subalit umabot na sa dalawampu (20) ang nagiging biktima ng sapilitang pagkawala sa ilalim ng inyong administrasyon sa kabila ng pagkakapasa ng mga batas na ito. Ginoong Aquino, kahit ilang batas ang inyong pirmahan, hindi matitigil ang pagdami ng mga desaparecidos kung hindi naman ito ipapatupad at kung sa halip ay patuloy ninyong ipapatupad ang kontra-insurhensyang programang Oplan Bayanihan na nagnanakaw ng buhay sa maraming biktima.

Ginoong Aquino, ninakaw ng pamahalaan ang aming mga anak.  Ang iginigiit naming hustisya para sa aming mga anak at iba pang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao ay alingawngaw ng aming isinisigaw na katarungan mula pa noong dukutin ang aming mga anak. Nagawa na namin ang lahat na dapat naming magawa. Panahon na para gawin mo naman ang iyong bahagi na agarang ilitaw sina Karen at Sherlyn at maaresto sina Rizal Hilario at Jovito Palparan para panagutin sa kanilang paglabag sa aming karapatan.

Iminumungkahi namin ang inyong pagbibitiw sa pwesto kung hindi ninyo ito kayang tugunan.

 

Naghahanap ng Katarungan,

(sgd) Erlinda Cadapan

(sgd) Concepcion Empeño

 

Reference:       Concepcion Empeño, Chairperson (0928-2884623)
                 Erlinda Cadapan (0908-7136291)

Mothers of two missing UP students to Aquino: Where is Palparan? Are you hiding him?

Press Release
February 10, 2014

“Mahigit dalawang taon na mula nang ilabas ng korte ang warrant of arrest kay Palparan ngunit hindi pa rin nahuli o HINUHULI si Ret. Gen. Jovito Palparan. Ano ang kanilang nagawa? Kinakanlong si Palparan? (It has been more than two years now since the warrant of arrest was issued against Ret. Gen. Jovito Palparan. But up to this time, he has not been arrested or the government refuse to arrest him), Mrs. Linda Cadapan said. She, and Concepcion Empeno, issued an open letter questioning the efforts of the Noynoy government to put Palparan in jail.

Masakit sa aming puso na malaman na malaya pa rin ang mga nanakit at nagwala sa aming mga anak. Mas masakit pa na makita na wala man lang ginagawa ng pamahalaan hinggil dito,(It pains us that those who hurt our daughters, those responsible for their disappearance are still free. But it pains us more that this government has not done anything about this case),” Mrs. Empeno said.

The open letter came out in time for the hearing of the kidnapping and serious illegal detention case against Ret. Gen Jovito Palparan et al for the disappearance of the two missing University of the Philippines students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan.  The hearing has been going on, at a very slow pace, for two years now at Malolos Regional Trial Court, and without Palparan.

The two mothers hit the military’s delaying tactics in the court proceedings, “Lagi na lamang napopostponed ang pagdinig sa aming kaso dahil sa walang maipakitang ebidensiya ang mga akusadong militar. Sa pagpapatagal-tagal ng usad ng kaso sa korte ay baka magpatakas pa kina Lt. Anotado at Sgt. Osorio, (The hearings were always postponed because the military failed to present its witnesses. The delay might give Lt. Anotado and Sgt. Osorio the opportunity to escape,” Mrs. Empeño added.

Lt. Anotado and Sgt. Osorio are among Gen. Palparan’s co-accused. Both are under military custody instead of being jailed in a civilian detention facility; while M/Sgt. Rizal Hilario, another co-accused in the case remains free like Palparan.

“Sa darating na ika-26 ng Hunyo ay walong taon na ang paghahanap at pakikipaglaban para sa hustisya para sa aking anak na si Karen Empeño at kanyang kasamang si Sherlyn Cadapan. Sadya nga bang malupit ang tadhana sa mga taong walang impluwensiya sa lipunan o nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan lamang ang pamahalaan sa lumalalang sitwasyon ng paglabag sa karapatang pantao at kawalang katarungan sa ating bansa? (We’ve been searching for our daughters and fighting for justice almost eight years now. Is this our fate, we who are not influential in this country? Or the government simply chose to remain blind and deaf to the worsening human rights situation and injustice in this country?), lamented Mrs. Empeno.

Mrs. Cadapan reminded the public to be on the look-out for Palparan and help in his arrest, “Muli, ako ay nanawagan sa lahat na agarang tumulong sa pag-aresto o paghuli sa salarin na dumukot kina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno, pumatay kay Manuel Merino at sa maraming mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatan ng mamamayan (Again, I appeal to the public to help in the arrest or to effect arrest to the abductors of Karen and Sherlyn, killed Manuel Merino at many other activists and defenders of the people’s rights).” ###

References:
Concepcion Empeño, mother of Karen Empeño
Linda Cadapan, mother of Sherlyn Cadapan
Lorena “Aya” Santos, Secretary General (09088121982, 024354146)